Maraming nagagawa ang malusog na pangangatawan at para makamit ito ang isa sa paraan ay pagkain ng wasto ang dapat na isakatuparan. Tulad ng pagkain ng masusustansiyang pagkain.Maganda kung kakayanin nating maging “vegetarian” ngunit hindi lahat tayo ay kayang gawin iyon sapagkat ang mga patakarang nakapaloob dito ay hindi mo lahat kakayanin kumpara sa iyong nakasanayan. Sa nakararami napakasarap kumain ng kumain dahil ito ay nagpapasigla sa ating pangangatawan at nakatutulong upang magawa natin ng ayos ang ating ninanais. Sa pagpili ng ating kakainin ay mas higit tayong naaakit sa panlabas na anyo lalo na kung ito ay masarap at malinamnam ay tiyak na babalik-balikan sa oras na hanapin muli ito ng iyong lalamunan.
Bawat isa sa atin ay malayang pumili kung saan natin gustong parausin ang ating kagutuman. Minsan nasasawa, minsan ayaw na kaya lumilipat tayo sa iba upang maghanap ng ibang lasa na tutugma sa ating kagustuhan. Para doon sa maga taong ang negosyo ay pagkain marapat lamang na dekalidad, ligtas, abot-kaya at swak na swak dapat sa panlasa ng tao upang higit na dayuhin ang inyong paninda nang sa gayon ay tumagal, lumakas at tatangkilikin ito ng nakararami. Kaya dapat gawin nila ang lahat ng mga istratehiyang kanilang nalalaman upang makapanghikayat pa sila ng marami.
Mabuti sana kung lahat ng tao ay nakakakain ng sapat o wasto, sapagkat minsan ay maraming pagkain ang ipinagbabawal dahil nagdudulot ito ng sakit o minsan ay hindi lamang basta sakit kundi malubhang sakit. Kailangan na nasa lugar ang pagkain, hindi masama ang tumikim ng mamantika o matatabang pagkain basta nasa lugar at huwag palagi. Kailangan na may disiplina ka sa sarili tulad ng pagkontrol mo sa iyong pagkain. Minsan nakakapanghinayang lang isipin na kung ano pa yung bawal sa iyo ay siya namang masarap at paborito mo. Pero kung gusto mo talagang humaba ang iyong buhay ay gawin ang isa sa paraan ang pagkain ng wasto at laging tandaan na ang kalusugan ay kayamanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento