Ang pagkain parang pangarap hindi mo matitikman kung hindi mo paghihirapan.Tulad nang pagkamit ng mga mithiin maghihirap ka muna bago ka guminhawa. Hindi ito instant na sa isang singhot lang ay lalapit na sa iyo ito. Kailangan mong kumita ng pera para may pambili ka o kaya naman kumapit na lang sa patalim iyon ay ang magnakaw para may panhain sa lamesa, subalit ang paggawa ng mga hindi kanais-nais na bagay na ito ay laging may kaparusahang naghihintay, ang malason ka o kainin ka ng iyong konsensiya. Mas masarap kumain kung ito ay galing sa dugo at pawis na iyong pinaghirapan. Tulad nga ng nabanggit ang pagkain ay parang pangarap hindi mo ito matitikman kung hindi mo aabutin at oras na maabot mo na ito ay nasasaiyo na kung paano mo kakainin, magbibigay ka ba o sosolohin mo na lang.
Ang pagkain parang hayop kailangan mong mapaamo para lumapit sa iyo. Tulad ng paghingi mo sa niluto ng kumara mong gulay, kailangan mo munang huntahin siya at maging mabait sa kanya para mahagisan ka ng biyayang kanyang niluto. Tulad muli ng mga hayop na parang mga tao na kailangan ng kalinga ng iba upang makuha mo ang kanilang atensiyon at tiwala upang maging tapat sa iyo. Kung ikukumpara sa mga tanim mong gulay sa bakuran hindi ito gaganda at yayabong kung hindi mo didiligin araw-araw, para sa paglaki nila ay maaari mo nang pitasin upang lutuin ni nanay.
Ang pagkain parang medal, mararamdaman mo lang ang iyong pinaghirapan kung ikaw ay umaakyat na sa intablado at kumukuha na ng iyong parangal. Ang pinaghirapan mong makuha ang iyong karangalan ay iniaalay mo sa iyong pamilya na laging sumusuporta sa iyo at higit sa lahat ay ipinagpapasalamat mo ito sa Panginoong Lumikha. Parang sa pagkain masasabi mong busog ka na kung lahat ng masusustansiyang pagkain na inihain sa iyo ni nanay ay kinain mo dahil sabi niya ito ay makabubuti sa iyong kalusugan. At higit sa lahat ay ang pagbahagi nito sa iba ng walang pag-iimbot.
Ang pagkain parang gamot kahit gaano kasama ng lasa ay dapat mong inumin para gumaling ka. Lahat ng bilin ni nanay na dapat inumin ay iniinom mo dahil ayaw mo nang mag-alala pa sila sa iyo. At para hindi narin magalit si Doc. Katulad ng ampalaya na alam ng lahat ay mapait, isa ito sa iniririkuminda ng mga Doktor na kainin ng mga bata o kahit na sino man dahil maganda ito sa kalusugan. Masasanay ka rin, kalaunan hindi mo na malalasahan na mapait ito dahil sanay na ang dila mo sa lasa.
Ang pagkain parang ikaw hanggang dito binabasa mo pa rin dahil napasarap ka na..BURF!!!.Excuse me po!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento