Cinemalaya Film Festival


Taste is a series of choice or affection within its style and content. I’d guess most of you thinking about foods. Yes, it’s also matter that way but in on the other lane of our sensation, taste may depend on many different facet. Now, let me give you one example of this, I will share my taste when it comes in watching Indi films.
Cultural Center of the Philippines (CCP) offers the best of their films to the viewers. It is a challenge to the heads of the calculations to the audiences’ instincts that their films affect to them and their opinions regarding those films that most of it referring the reality of life. Actually, we come up a planned chance to watch three different films and it is as follows:


“ Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa “ -this story is about the involvement of a teacher as well as a dancer to her two male students in her literary class. Her innovative and smooth dancing style and interpreting poems makes her students come across to the real out of their true personality concerning their feelings to each other. The ending was good because of the realization when the tears to the eyes slide down to skin as the two students dance. The flow of the story happened by showing two scenes at a time, I mean while current scene happen it next another different scene that will gonna happen in the next part of the story. The talents are giving their finest act the way they moved it create a precise transformation to their role. In my observation, just like me audiences are focusing to the film maybe because to understand well the story until it ends.

  “Busong”-seriously speaking I felt bore in watching this film in the middle of the story until it ends but in the first part it may me think that it is an interesting because of a good start it brought that an epic-like was shown. I noticed that as our eyes wander to trace the real meaning of the story. I’d presume that it’s a dare to us to discover it out but I think we failed because other audiences’ focus vanished perhaps they cannot obtain the real aim of it. It ends leaving a question to us on how the story flows that way without clearing for us to comprehend why it was happen. However, what I like in this film is the quality of the video was good and the location is a plus factor.

 “Ligo Na You, Lapit Na Me”-this witty and dramatic story click the mind of the audiences as it ticklish our silent imagination to the highest level. When it starts until it ends it makes us alive as the dialogue beat upon the screen and it touches our heart when the conflict make a sense of accepting. It had shown the reality of life to the teenagers in this confusing generation.
     
                Gladness came out as I afford the opportunity that can be a great help in fixing the puzzle in my life within our chosen carrier- being a Mass Communication students. The three films above are just considering lessons in our subject and finding out my taste regarding to the films. For me, the most I like is the “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” because I felt the HCM or the Heart Catching Moment in this story at the last part of it. It is the winner to my taste.

                 Before, I can easily detect if a story is beautiful for me or not, if it is comedic, meaning, it has a successful conclusion. Moreover, when the feeling of appreciation comforts my emotions, I think the director’s concept bestow my satisfaction. As my learning process progress little by little, I learned that in creating films is a wide-headed provision. The director must have versatile ideas on how they produce that can be appreciated to the viewers. It’s not a necessary that your talents are famous until they can act well what the director wish for. The cinematography also a most important matter to be consider, different angles of its focus can total the creativeness plus lights, sounds, effects and the locations are also the weapons to be competitive. 










Ang Pagkain Parang........


Ang pagkain parang pangarap hindi mo matitikman kung hindi mo paghihirapan.Tulad nang pagkamit ng mga mithiin maghihirap ka muna bago ka guminhawa. Hindi ito instant na sa isang singhot lang ay lalapit na sa iyo ito.  Kailangan mong kumita ng pera para may pambili ka o kaya naman kumapit na lang sa patalim iyon ay ang magnakaw para may panhain sa lamesa, subalit ang paggawa ng mga hindi kanais-nais na bagay na ito ay laging may kaparusahang naghihintay, ang malason ka o kainin ka ng iyong konsensiya. Mas masarap kumain kung ito ay galing sa dugo at pawis na iyong pinaghirapan. Tulad nga ng nabanggit  ang pagkain ay parang pangarap hindi mo ito matitikman kung hindi mo aabutin at oras na maabot mo na ito ay nasasaiyo na kung paano mo kakainin, magbibigay ka ba o sosolohin mo na lang.


Ang pagkain parang hayop kailangan mong mapaamo para lumapit sa iyo. Tulad ng paghingi mo sa niluto ng kumara mong gulay, kailangan mo munang huntahin siya at maging mabait sa kanya  para mahagisan ka ng biyayang kanyang niluto. Tulad muli ng mga hayop na parang mga tao na kailangan ng kalinga ng iba upang makuha mo ang kanilang atensiyon at tiwala upang maging tapat sa iyo. Kung ikukumpara sa mga tanim mong gulay sa bakuran hindi ito gaganda at yayabong kung hindi mo didiligin araw-araw, para sa paglaki nila ay maaari mo nang pitasin upang lutuin ni nanay.


Ang pagkain parang medal, mararamdaman mo lang ang iyong pinaghirapan kung ikaw ay umaakyat na sa intablado at kumukuha na ng iyong parangal. Ang pinaghirapan mong makuha ang iyong karangalan ay iniaalay mo sa iyong pamilya na laging sumusuporta sa iyo at higit sa lahat ay ipinagpapasalamat mo ito sa Panginoong Lumikha. Parang sa pagkain masasabi mong busog ka na kung lahat ng masusustansiyang pagkain na inihain sa iyo ni nanay ay kinain mo dahil sabi niya ito ay makabubuti sa iyong kalusugan. At higit sa lahat ay ang pagbahagi nito sa iba ng walang pag-iimbot.


Ang pagkain parang gamot kahit gaano kasama ng lasa ay dapat mong inumin para gumaling ka. Lahat ng bilin ni nanay na dapat inumin ay iniinom mo dahil ayaw mo nang mag-alala pa sila sa iyo. At para hindi narin magalit si Doc. Katulad ng ampalaya na alam ng lahat ay mapait, isa ito sa iniririkuminda ng mga Doktor na kainin ng mga bata o kahit na sino man dahil maganda ito sa kalusugan. Masasanay ka rin, kalaunan hindi mo na malalasahan na mapait ito dahil sanay na ang dila mo sa lasa.


Ang pagkain parang ikaw hanggang dito binabasa mo pa rin dahil napasarap ka na..BURF!!!.Excuse me po!

HeAlth is Gold


        Maraming nagagawa ang malusog na pangangatawan at para makamit ito ang isa sa paraan ay pagkain ng wasto ang dapat na isakatuparan. Tulad ng pagkain ng masusustansiyang pagkain.Maganda kung kakayanin nating maging “vegetarian” ngunit hindi lahat tayo ay kayang gawin iyon sapagkat ang mga patakarang nakapaloob dito ay hindi mo lahat kakayanin kumpara sa iyong nakasanayan. Sa nakararami napakasarap kumain ng kumain dahil ito ay nagpapasigla sa ating pangangatawan at nakatutulong upang magawa natin ng ayos ang ating ninanais. Sa pagpili  ng ating kakainin ay mas higit tayong naaakit sa panlabas na anyo  lalo na kung ito ay masarap at malinamnam ay tiyak na babalik-balikan sa oras na hanapin muli ito ng iyong lalamunan.
       Bawat isa sa atin ay malayang pumili kung saan natin gustong parausin ang ating kagutuman. Minsan nasasawa, minsan ayaw na kaya lumilipat tayo sa iba upang maghanap ng ibang lasa na tutugma sa ating kagustuhan. Para doon sa maga taong ang negosyo ay pagkain marapat lamang na dekalidad, ligtas, abot-kaya at swak na swak dapat sa panlasa ng tao upang higit na dayuhin ang inyong paninda nang sa gayon ay tumagal, lumakas at tatangkilikin ito ng nakararami. Kaya dapat gawin nila ang lahat ng mga istratehiyang kanilang nalalaman upang makapanghikayat pa sila ng marami.
       Mabuti sana kung lahat ng tao ay nakakakain ng sapat o wasto, sapagkat minsan ay maraming pagkain ang ipinagbabawal dahil nagdudulot ito ng sakit o minsan ay hindi lamang basta sakit kundi malubhang sakit. Kailangan na nasa lugar ang pagkain, hindi masama ang tumikim ng mamantika o matatabang pagkain basta nasa lugar at huwag palagi. Kailangan na may disiplina ka sa sarili tulad ng pagkontrol mo sa iyong pagkain. Minsan nakakapanghinayang lang isipin na kung ano pa yung bawal sa iyo ay siya namang masarap at paborito mo. Pero kung gusto mo talagang humaba ang iyong buhay ay gawin ang isa sa paraan ang pagkain ng wasto at laging tandaan na ang kalusugan ay  kayamanan.