Dila
Masarap kainin sa dilang walang pintis
Ang tingang nakasabit saan man nakasingit
Kapag kanyang kinalabit maaalis sa pagkakipit.
Humahaba, umuurong nagagamit sa pang-asar
Tumitikim, lumalasa kapag ito’y natatakam.
Subukang hamunin ang dilang matabil
Tiyak pagkasutil ay di mapipigil.
Si dilang makulit kaya naiipit
Di dapat sambitin kanyang sinasambit.
Kapag siya’y nainis at gana’y napanis
Tiyang pumipitik tiyak mamimilipit.
Subukang amuin ng mga pagkain
Sa hapag kainan ay iyong ihain
Ano mang iwas ang kanyang gawin
Tiyak na kakain si dilang masungit.